NHA TRANG CITY, Vietnam - Gumaan ang trabaho ng Energen Pilipinas nang hindi maglaro ang powerhouse Iran sa ikalawang sunod na pagkakataon sa 2nd FIBA-Asia Under-16 Championship dito sa Khanh Hoa Sports Center.
Kalaban ng Nationals, winalis ang nakaraang Southeast Asian Basketball Association Championship noong Agosto, ang Indonesia at nakatakdang labanan ang Vietnam ngayong alas-8 ng gabi sa hanga ring madomina ang Group D.
Nakatiyak na ng isang second round spot, haharapin ng Energen ang mga Group C qualifiers Japan, Saudi Arabia at Qatar na umabante matapos mabigong magpakita ang Iran dahil sa visa problems.
“Our initial goals are to make the quarterfinals and if possible finish the elimination round as the top seed,” wika ni Energen Pilipinas coach Nash Racela.
Nauna nang tinalo ng Nationals ang Saudi Arabia, 64-29, noong Martes bago ang panalo sa Iran via forfeiture.
Sa iba pang resulta, binigo ng West Asian champion Iraq ang Uzbekistan,100-32, habang tinalo ng Saudi Arabia ang Qatar, 85-47, sa nasabing 11-day event na may nakalatag na isang tiket para sa 2012 FIBA World U-17 Championship sa Hunyo 29 hanggang Hulyo 8 sa Kaunas, Lithuania.
Nakita naman ni Racela ang husay ng defending champion China matapos igupo ang India, 64-27, samantalang dinurog ng Lebanon ang Uzbekistan, 108-21.