Energen pagaganahin ang bilis at liksi vs Indonesia

MANILA, Philippines - Bilis at liksi ang magi­ging pangunahing sandata ng Energen Pilipinas Under-16 kapag nagsimula na ang aksyon sa FIBA-Asia U-16 bukas sa Ha Trang City, Vietnam.

“We’re relying on our quickness and outside shooting,” wika ni Philippine youth coach Olsen Racela. “As my players themselves said, we may not be as big as our opponents, but we have a bigger heart.”

Ang Pilipinas ay naka­grupo kasama ng host Viet­nam at Indonesia sa preliminary round at pla­cing lamang ang paglalabanan ng tatlong koponan dahil nakatiyak na sila ng puwes­to sa second round elimination.

Umabot sa 15 bansa ang kasali sa ikalawang edisyon ng U-16 at ang ma­ngungunang tatlong kopo­nan sa apat na grupo ay aabante sa second round.

 Bubuksan ng koponan ang kampanya laban sa Indo­nesia bukas bago isunod ang Vietnam kinabukasan.

“The boys have worked so hard and sacrificed so much to ensure our country will be well represented in the FIBA tournament,” pahayag naman ni team manager Joel Lopa.

Mangunguna sa kopo­nan sina Jay Javelosa (Reed­ley International), Kyles Lao (Xavier), Henry Asilum (Sacred Heart-Ate­neo de Cebu), Hubert Cani (National University) at Rev Diputado (San Beda) na nakasama ng koponan nang dominahin ang South­east Asian Basketball Association (SEABA) tournament noong Agosto.

Pinalakas ang koponan sa pagpasok nina Filipino-Australian Jordan Hea­ding (Faith Academy) Nic Dalafu (Victory Christian International), Tomas Ramos (Ateneo), Jay Alejandro (Mapua), Prince Rivero (National University), Andrei Caracut (San Beda) at Isaac Go (Xavier). Reserves naman sina Earl Murphy (Ateneo) at Daryl Pascual (Arellano).

Ang nagdedepensang China ay masuskat sa India sa laro sa Group A na binubuo din ng Malaysia at Chinese Taipei.

Nasa Group B ang Korea, Iraq, Uzbekistan at Le­banon habang ang Iran, Qatar, Saudi Arabia at Japan ang magkakasama sa Group C.

Ang mga koponang u­usad sa finals ang lalaro naman sa 2012 FIBA U-17 World Championship sa Lithuania mula Hulyo 17 hanggang 26. 

Show comments