Poca maglalaro sa VP Binay Grand Prix

MANILA, Philippines - Makikipag-agawan na rin si Malvinne ‘Poca’ Alcala para sa fourth leg ng P1-Million VP Binay Grand Prix Badminton Open Cham­pionships-PBaRS na nakatakda sa Oktubre 23 sa Powersmash sa Makati.

Hindi sumali ang reig­ning Singapore at Australian juniors champion sa first at third legs ng torneo da­hil sa kanyang paglalaro sa ibang bansa, ngunit inangkin naman niya ang la­dies Open singles sa se­cond leg ng Philippine Badminton Ranking System tour­nament sa Bacolod.

Halos 750 players ang lalahok sa nasabing seven-day tournament, na iniha­han­dog ng MVP Sports Foun­dation at Robinsons Land.

Ang eliminasyon ay la­laruin sa PowerSmash, ha­bang ang quarterfinals, se­mifinals at finals ay idara­os alinman sa Philsports Are­na o Yñares Sports Are­na sa Pasig.

Ang torneo ay inorga­nisa nina Vice President at Philippine Badminton Association president Jejomar Binay, Rep. Albee Benitez at businessman-sportsman Manny Pangilinan.

Show comments