EAC-ICA Brigadiers pasok sa Final 4
MANILA, Philippines - Nag-umpisa sila bilang guest team noong 2009 at last year ay probationary member na sila. Ngayon sa ikatlong taon nila sa NCAA, nakagawa na ng kasaysayan ang EAC-Immaculate Conception Academy nang sila ay makapasok sa Final Four ng juniors basketball.
Noong 85th at 86th NCAA seasons, nakapagtala lamang ng tig-3 panalo ang Brigadiers at laging nasa ilalim ng team standings. Pero ngayong season na ito ang Brigadiers ay nasa ikaapat na puwesto at mayroong 12 na panalo at 6 na talo sa likod ng top seed San Beda (18-0), Letran (14-4) at CSB-LSGH (13-5).
At malaki ang tsansa ng makapasok din sa finals kung tatalunin nila ang Greenies at Squires sa stepladder format.
“Teamwork, defense and focus on our goal ang naging susi ng team. Team effort ang nangyari. From the coaching staff, administration headed by president Dr. Jose Paulo Campos, parents, students and, especially the players,” sabi ni coach Azlie Guro.
Ang miyembro ng team ay sina Nelson Mendoza at Frederick Padrones, Sidney Onwubere, Allen Superable, Luige Cuyos, Ronald Manreza, Paulo Rait, Randy Magtaas Jr, Carl Cabral, Alejandro Piopongco at Hanniel Meana.
- Latest
- Trending