^

PSN Palaro

Pacquiao kontrolado ang training, walang dapat ipag-alala

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Pinawi ni Manny Pacquiao ang mga pangambang na maaaring masunog siya bago pa ang laban nila ni Juan Manuel Marquez sa Nobyembre 12.

“I control my training and step by step until the time comes,” pahayag ni Pacquiao na nasa Wild Card Gym na ngayon upang dito isagawa ang mas masinsinang pagsasanay sa ilalim ng patnubay ni trainer Freddie Roach.

Di tulad sa mga nagdaang laban, mas maaga ang ginawang pagsasanay ni Pacquiao dahil nagsarili pa nga siya ng training sa kanyang MP gym ilang araw bago opisyal na buksan ang kanyang training camp sa Baguio City.

Dahil napaaga ang pagkondisyon ng kanyang pangangatawan, napaaga rin ang sparring nila ni Jorge Linares at bago na­tapos ang pagsasanay sa Baguio ay bug­bog sarado na si Linares sa mga kamao ni Pacman.

Nasa plano lahat ng ito ani ni Pacquiao dahil layon niya na malagay sa panlaban na kondisyon isang linggo bago ang takdang bakbakan.

Masidhi ang hangarin ni Pacquiao na manalo kay Marquez hindi lamang upang mapanatili ang kanyang titulo sa WBO wel­terweight division kundi para mapatahimik ang Mexican boxer na inihahayag sa mundo na siya ang tunay na nanalo sa naunang dalawang laban noong 2004 at 2008.

Nauwi sa tabla ang unang paghaharap habang split decision naman ang kinuha ni Pacquiao sa ikalawang pagtutuos.

“I’m expecting that he will train hard and he needs this fight badly. That’s why what I’m doing is training hard and on November 12, there will be a lot of boxing in the ring,” pahayag pa ng pound for pound King.

BAGUIO CITY

DAHIL

FREDDIE ROACH

JORGE LINARES

JUAN MANUEL MARQUEZ

LINARES

MARQUEZ

PACQUIAO

WILD CARD GYM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with