ABAP humiling sa POC para kay Saludar
MANILA, Philippines - Hihilingin ng Amateur Boxing Association of the Philippines (ABAP) sa Philippine Olympic Committee (POC) na iendorso si flyweight Rey Saludar para sa isang wild card berth sa 2012 London Olympics.
Si lightflyweight Mark Anthony Barriga pa lamang ang nakakuha ng Olympic seat at umaasa ang ABAP na madaragdagan ito sa pamamagitan ng Tripartite Commission na nagbibigay ng mga invitational slots o sa Asian Olympic Qualifying Tournament sa Marso ng 2012 sa Kazakhstan.
Ang Tripartite Committee ay binubuo ng International Olympic Committee (IOC) at National Olympic Committees (NOCs), habang inaasahang ipapamahagi ng International Boxing Association (AIBA) ang walong wildcard berths sa London.
Umaasa ang ABAP na mabibigyan ng wildcard si Saludar, tinalo si Canada’s Tarijit Lally at Tajikistan’s Yusif Saffovidin bago natalo kay US’ Raushee Warren sa Olympic-qualifying world championship sa Baku.
Hindi nakapasok ang American sa finals, kaya hindi rin nakaabante sa 2012 Olympics ang Filipino ace.
Sinabi ng ABAP executive na ang deadline para sa application sa wild card ay sa Enero 16, 2012, dalawang buwan bago ang March 30-April 8, 2012 Asian qualifiers sa Astana, Kazakhstan.
- Latest
- Trending