4 Pinoy sa finals
MANILA, Philippines - Apat na manlalaro ng Pilipinas ang nanalo sa kanilang semifinal matches sa sanda sa idinadaos na 11th Wushu World Championships sa Ankara Sports Arena sa Ankara, Turkey.
Sina Jessie Aligaga (48kgs) at Dembert Arcita (53kgs) ang nanguna sa hanay ng bansa nang manalo sa dalawang laban para makatiyak na ng pilak na medalya.
Tinalo ni Aligaga sa quarterfinals si Laksman Gunasekara ng Sri Lanka at si Ahmet Hama ng Egypt sa semifinals habang nangibabaw si Arcita kay Gulsian ng India at Jung Woo Seo ng Korea.
Sina women’s sanda artist Marianne Mariano (56kgs) at Mary Jane Estimar (52kgs) ay lumusot din nang talunin ni Mariano si Ekaterina Mukhortikova ng Russia at si Estimar ay nanaig kay Sarah Belala ng France.
Bigo naman ang tatlong iba pang semifinalist ng Pilipinas nang matalo si Mark Eddiva kay Mohammaadseifi Nohsen ng Iran (65kgs); si Benjie Rivera ay yumukod kay Li Kang ng China (56kgs) at si Rhea Mae Rifani ay talo kay Sanathoi Devi ng India (56kgs).
Dahil dito, ang tatlong sanda artist na nabanggit ay nakontento sa bronze medals.
- Latest
- Trending