^

PSN Palaro

Smart poomsae jins magsasanay sa Korea

-

MANILA, Philippines - Tumulak patungong Korea kamakailan ang RP taekwondo team upang magsanay bilang paghahanda sa nalalapit na 26th Southeast Asian Games na gaganapin sa Indonesia ngayong Nobyembre 11-22.

Kabilang sa grupo ang mag-pipinsan na sina Camille Alarilla, Janice Lagman at Rani Ortega na na­nalo ng kauna-unahang gold medal para sa bansa sa poomsae event ng 20­09 SEA Games. Ang tatlo ay miyembro ng Smart Na­tional Taekwondo team at sila rin ang nag-uwi ng bronze medal mula sa 6th Taekwondo Poomsae Championships na gi­nanap sa Vladivostok, Russia noong Hulyo. 

Ang koponan na supor­tado ng Smart Communications, Inc. (Smart) ay abala sa pag-ensayo ng mula walo hanggang sampung oras kada araw bilang paghahanda sa nalalapit na SEA Games.

“Just because we won the gold in the last SEA Games doesn’t mean we can start relaxing,” wika ni Lagman na labing-isang taon na sa taekwondo.

Kasama rin sa poomsae team ang tubong Cagayan de Oro na si Shaneen Sia at si Jean Pierre Sabido. 

Ang RP Taekwondo team ay mananatili sa Korea ng dalawang linggo. 

CAMILLE ALARILLA

JANICE LAGMAN

JEAN PIERRE SABIDO

RANI ORTEGA

SHANEEN SIA

SMART COMMUNICATIONS

SOUTHEAST ASIAN GAMES

TAEKWONDO

TAEKWONDO POOMSAE CHAMPIONSHIPS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with