^

PSN Palaro

Pinoy jins na lalahok sa Winter Games sa Chicago binasbasan ni Rep. Sambar

- Ni RMPangilinan -

MANILA, Philippines - Binasbasan ni PBA PAR­TYLIST Congressman Mark Aeron H. Sambar ang taekwondo team na lalahok sa 4th Chicago International Taek­wondo Winter Games sa Norridge, Illinois.

Ang delegasyon, pa­ngu­ngunahan nina dating senador Nikki Coseteng at coach Nap Dagdagan Jr., ay handang-handa nang humarap sa pinakamahu­husay na manlalaro ng taekwondo mula sa buong mundo sa Nobyembre 11 hanggang 13.

Binasbasan ni Cong. Sambar ang koponan sa isang courtesy call sa kanyang opisina kahapon.

“Mahalagang ibigay natin ang kailangang suporta ng ating mga atleta at hikayatin ang mga ma­mamayan na maglaro ng isports,” anang sports enthusiast.

Ang taekwondo varsity team member ng University of the Philippines-Diliman na si Charizza Camille Alom­bro ang magiging lider ng koponan. Ang iba pang lalahok ay pipiliin mula sa mga mananalo sa Diliman Preparatory School Quezon City Age-Group Taekwondo Championships ngayong Oktubre. Ang pinakamagagaling na jins sa torneong tinawag na “Nikki Coseteng Cup,” ay sasama kay Alombro sa Chicago.

Ang Coseteng Cup, na kinikilala ng NSA Taekwondo Association, ay inaasahang magdadala ng 1,200 kalahok mula sa mga paaralan sa National Capital Region. Ito ang kauna-unahang taekwondo event na isinaayos ng dating mambabatas.

ANG COSETENG CUP

BINASBASAN

CHARIZZA CAMILLE ALOM

CHICAGO INTERNATIONAL TAEK

CONGRESSMAN MARK AERON H

DILIMAN PREPARATORY SCHOOL QUEZON CITY AGE-GROUP TAEKWONDO CHAMPIONSHIPS

NAP DAGDAGAN JR.

NATIONAL CAPITAL REGION

NIKKI COSETENG

NIKKI COSETENG CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with