Brgy. Maharlika, Bagumbayan umiskor ng panalo sa Super League

MANILA, Philippines - Iba’t iba ang naging resulta sa naging mga laro sa Taguig elimination ng 1st Han­dy Fix Super League National Barangay Championship.

Tinalo ng Barangay Ma­harlika, sa likod nina Max Bond Super Glue at Sapal Sealant best players Anthony Azares at Jun Ibra­­him, ang Barangay Fort Santiago, 77-75, habang binigo ng Barangay Bagum­bayan ang Barangay Central Bicutan, 93-85, mula kina Artjay Portalito at Nomer Evangelista.

Noong Linggo, iginupo ng Barangay Tipas Napindan ang Barangay Bagumbayan, 88-81, samantalang pinayukod ng Barangay Central Bicutan ang Barangay Fort Bonifacio, 97-96, buhat kina Dexter Merin at Kenneth Estojero.

Show comments