^

PSN Palaro

Orcollo sibak kay Biado

-

MANILA, Philippines - Muli na namang nakalusot si Carlo Biado kontra kay world No.1 at World 8-Ball champion Dennis Orcollo sa ikalawang pagkakataon sa limang buwan para magbigay ng kanyang senyales sa titulo sa 8-Ball event at grand championship ng 2011 BSCP Natio­nal Pool Championships.

Tinalo ni Biado si Orcollo, 8-5, kamakalawa ng gabi sa Star Billiards Center tungo sa pag-abante sa fi­nals ng torneong ito na magsisilbing basehan sa qualifying event sa World Pool Summit.

Isang semifinalist sa World Ten Ball Championship at isa sa mga manla­laro na nakaakyat sa world rankings, makakalaban ni Biado si Allan Cuartero, na nakalusot din kay Ricky Zerna, 8-7 sa finals.

Nakapasok si Biado sa semifinals matapos bokyain si Johann Chua, 8-0. Ito din ang nagbigay ng kumpiyansa kay Biado para ungusan si Orcollo isa sa top player sa buong mundo na biniktima niya sa WTBC nitong Mayo.

Sa pagpasok sa finals, isa lamang ang nagla­laro sa isipan ni Biado na ma­ka­­ganti mula sa dikitang 8-7 decision na pagkatalo kay Cuartero sa kaagahan ng 8-ball event.

Si Cuartero ay ang isa ding manlalaro na muntik ng daigin si Orcollo.

vuukle comment

ALLAN CUARTERO

BIADO

CARLO BIADO

DENNIS ORCOLLO

JOHANN CHUA

ORCOLLO

POOL CHAMPIONSHIPS

RICKY ZERNA

SHY

SI CUARTERO

STAR BILLIARDS CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with