^

PSN Palaro

Banggaang Ginebra, RoS ngayon na

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Matapos ang isang simpleng seremonya sa alas-4 ng hapon, papagitna naman ang banggaan ng Barangay Ginebra at Rain or Shine sa alas-6 ng gabi sa pagbubukas ng 2011-2012 PBA Philippine Cup sa Araneta Coliseum.

Kapwa isasalang ng Gin Kings at Elasto Painters ang kanilang mga nahugot sa nakaraang 2011 PBA Rookie Draft na sina Reil Cervantes at Paul Lee, ayon sa pagkakasunod.

Ang 6-foot-5 na si Cervantes, naglaro sa Far Eastern University, ang hinirang ng Ginebra na No. 9 overall, samantalang ang 6'1 namang si Lee, naging kamador ng University of the East, ang tinanghal na No. 2 sa ilalim ni No. 1 pick JV Casio ng Powerade.

“I think hindi sila magkakalayo ni JV pagdating sa basketball IQ pero 'yung katawan ni Paul Lee at style, mas rugged and so I think he can take more physical contact than JV,” pagkukumpara ni Elasto Painters' coach Yeng Guiao kina Lee at Casio.

Maliban kay Lee, ang iba pang ipaparada ng Rain or Shine ay sina Chito Jaime, naglaro na para sa Sta. Lucia, at JR Quinahan, nagmula sa Powerade via trade noong offseason kapalit ni Doug Kramer.

Matapos mabigong magkampeon sa nakaraang 36th season, ibinaba ng San Miguel Corporation management si Jong Uichico bilang assistant kasabay ng pag-aakyat muli kay Siot Tanquingcen bilang head coach ng Ginebra.

Ang Talk 'N Text ni Chot Reyes ang magdedepensa ng kanilang Philippine Cup crown.

Samantala, iluluklok sa PBA Hall of Fame sina four-time MVP Alvin Patrimonio, 1977 MVP Freddie Hubalde, import Billy Ray Bates, coaches Tommy Manotoc, Tito Eduque, ang yumaong si dating PBA Commissioner Col. Mariano Yenko at Vintage boss Bobong Velez.

Ibabandera naman ng 10 koponan ang kani-kanilang mga muses.

  

vuukle comment

ALVIN PATRIMONIO

ANG TALK

ARANETA COLISEUM

BARANGAY GINEBRA

BILLY RAY BATES

BOBONG VELEZ

CASIO

ELASTO PAINTERS

PAUL LEE

PHILIPPINE CUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with