MANILA, Philippines - Pangungunahan ng San Miguel Corporation, Smart Sports at Powerade ang mga korporasyong tutulong sa PBA Press Corps (PBAPC) para sa pagdaraos ng 2011 Annual Awards sa Setyembre 30 sa Topaz Room ng Ga teway Suites sa Cubao, Quezon City.
Maliban sa tatlo, susuporta rin sa PBAPC ang Maynilad, Accel, Phoenix Petroleum, Sapal Elastic Sealant & Waterproofer at Energen.
Itatampok sa 2011 Annual Awards ng PBAPC ang pagkilala sa Coach of the Year at sa Executive of the Year.
Ang tatanghaling Coach of the Year at Executive of the Year ang tatanggap sa prestihiyosong Virgilio ‘Baby’ Dalupan Trophy at sa Danny Floro Trophy, ayon sa pagkakasunod.
Ang PBAPC, ang grupo ng mga sportswriters na regular na kumokober sa mga PBA games, ay magtatanghal rin sa Defensive Player of the Year, Mr. Quality Minutes, Comeback Player of the Year, Order of Merit winner, All-Rookie Team at Referee of the Year.
Ipamimigay rin sa okasyon ang Sapal Elastic Sealant & Waterproofer-Defensive Player of the Year, Maynilad-Mr. Quality Minutes, Phoenix- William ‘Bogs’ Adornado Comeback Player of the Year, Energen All-Rookie Team at Accel-Order of Merit winner awards.
Ilulunsad rin sa annual awards ang 2011 edition ng annual magazine na The Extra Period.
Sina Talk ‘N Text coach Chot Reyes at team owner Manny V. Pangilinan ang inaasahang tatanggap ng Dalupan at Floro Trophies, ayon sa pagkakasunod.