MANILA, Philippines - Ang isang forfeiture victory laban sa Iraq ang nagbigay ng pag-asa sa RP Blu Girls na makuha ang isang quarterfinal seat sa 10th Asian Women’s Softball Championship sa Nantou, Taiwan.
Dumating ang Iraq sa Ciaoguang playing field na may pitong players lamang dahil ang apat nilang mainstays ay nagkaroon ng mga injuries.
Bunga nito, idineklara ng mga organizers na panalo ang Blu Girls via default.
Ang official score ay 7-0. Para makapasok sa page-system round, kailangang talunin ng mga Pinay ang Southeast Asian Games archrival nitong Thailand na nakatakda kahapon.
Isang beses lamang nanalo ang Thailand sa Blu Girls sa kanilang pagkikita sa SEA Games at Asian tournaments.
Ang magiging top three ang siyang kakatawan sa rehiyon para sa 2011 World Championship.
Parehong may 2-2 rekord ang Blu Girls at Thailand sa Pool A ng two-group elimination.