Tikas ng Gilas 'di umubra sa Jordan

MANILA, Philippines - Nagwakas na ang pinapangarap na finals appearance ng Smart Gilas Pilipinas sa 26th FIBA-Asia Men’s Championships.

Ito ay matapos matalo ang Smart Gilas sa Jordan, 61-75, sa semifinal round ng torneo kahapon sa Wuhan gymnasium sa China.

Bago payukurin ang Nationals, ginulantang muna ng Jordanians ang two-time champion Ira-nians, 88-84, sa quarterfinals noong Biyernes.

Ang masamang fieldgoals shooting ng Smart Gilas ang siyang nagresulta sa kanilang unang kabiguan matapos magposte ng isang five-game winning streak, kasama na rito ang 95-78 paggiba sa Chinese-Taipei sa quarterfinals.

Nauna nang binigo ng Nationals ang Jordanians, 72-64, sa second round.

Ang magkakampeon sa torneo ang siyang makakakuha ng automatic slot para sa 2012 Olympic Games sa London.

Ang second at third pla­cers naman ang ma­ka­ka­sama ng mga runners up mula sa Europe, America, Africa at Oceania para sa Olympic Qualifying Tournament. Ang top three teams ang makakasikwat ng hu­ling tatlong tiket para sa 20­12 London Olympics.  

Jordan 75 – Wright 24, Daghles 16, Abbas 14, Abuqoura 9, Jamal 5, Abbaas 5, Al-Sous 2, Alkhas 0, .

Philippines 61 – Douthit 21, Casio 15, De Ocampo 8, Williams 6, Lutz 4, Barroca 4, Lassiter 2, Alapag 1, Taulava 0, Tiu 0.

Quarterscores: 12-18, 27-28, 49-41, 75-61.

Show comments