Eagles kumakaway sa 4-peat
MANILA, Philippines - Hindi natugunan ng FEU ang malakas na pag-arangkada ng Ateneo sa second half upang kunin ng 3-time defending champion ang 82-64 panalo sa pagsisimula ng 74th UAAP men’s basketball Finals kahapon sa Araneta Coliseum.
Nagkaroon muna ng apat na lead changes at walong tabla na ang huli ay sa 45-all score ng big- lang inilabas ng Eagles ang kanilang malawak na pakpak at ikinampay upang lumipad ng matayog tungo sa pagdagit sa mahalagang 1-0 kalamangan sa maigsing best-of-three Finals series.
May walong puntos si Nico Salva sa ibinagsak na 15-4 palitan para lumayo ang Eagles sa 60-49 matapos ang ikatlong yugto.
Limang puntos ni Emman Monfort, dalawang dunk ni Greg Slaughter at apat pa mula kay Salva ang nagresulta para hawakan ng Ateneo ang pinakamalaking kalamangan na 20 puntos, 75-55, na nagtiyak na ng panalo dahil tatlong minuto na lamang ang nalalabi sa orasan.
Makasaysayang laro ang ipinakita ni Salva dahil hindi siya sumablay sa walong birada sa 2-point field at walong buslo sa free throw line tungo sa 24 puntos.
Hindi naman nagpahuli ang ibang starters dahil si Ravena na may 17 puntos, 5 rebounds, 4 assists at 2 steals; Slaughter na mayroong 12 puntos, 8 rebounds, 2 assists at 1 block; at si Monfort ay mayroong 11 puntos, 5 rebounds, 5 assists at 2 steals.
Maliban sa magandang depensa na nagresulta upang magkaroon lamang ng 19 puntos ang Tamaraws matapos ang huling tabla, malaki rin ang itinulong sa panalo ng matinding free throw shooting ng Eagles.
Kumulekta sila ng 20 puntos sa 25 buslo kumpara sa katiting na 3 lamang sa siyam na attempt ng kalaban.
Si Terrence Romeo ay may 23 puntos habang ang rookie na si Russel Escoto ay naghatid ng12 puntos at 6 rebounds pero natahimik sina Aldrech Ramos, RR Garcia at Cris Tolomia para mangapa sa pagkukuhanan ng puntos ang Tamaraws.
Nakataya para sa Eagles ang ikaapat na sunod na titulo sa darating na Martes at tinitiyak ni Black na gagawin nila ang lahat ng paraan para matapos na ang serye.
- Latest
- Trending