Star Group binugbog ang Secret Spices sa MBL

MANILA, Philippines - Sumakay ang STAR Group of Publications sa maiinit na mga kamay nina Jong Bondoc at Dennis Rodriguez upang pabagsakin ang Secret Spices, 85-70 at isubi ang unang outright semifinals berth sa 2011 MBL Corporate Cup basketball cham­pionship kagabi sa Aquinas gym sa San Juan.

Tumapos si Bondoc ng 18 puntos, habang nag­dagdag si Rodriguez ng 15 puntos sa 1-2 scoring punch na siyang nagpani­ngas sa opensiba ng Starmen tungo sa kanilang ikalimang panalo sa eight-team tournament na ito na hatid ng Cebuana Lhuillier, Ironcon Builders, Dickies un­derwear, PRC Couries at WG Diners.

Binanderahan nina Bon­doc at Rodriguez ang su­nud-sunod na running ga­me na tinampukan ng im­presibong drives at out­side shooting upang idis­karil ang tangkang pagba­ngon ng Secret Spices.

Pero nagsilbing bayani ng Starmen ang tikas ni Gio Coquilla na siyang nag­hatid ng mahalagang back-to-back triples upang bu­husan ng malamig na tu­big ang atake ng Secret Spi­ces at selyuhan ang ka­nilang panalo.

Naglista sina Lester Re­yes at Ver roque ng tig-10 pun­tos at walo naman ang kay Coquilla.

Samantala, tangka naman ng Parola Maritime (4-1) ang ikalawang outright semis sa pagharap sa kulelat na Makati Medical Center (0-4) ngayong alas-7 ng gabi sa San Andres gym.

Sa tournament format, ang top two teams ang uusad sa semis outright at maglalaban-laban ang apat na teams para sa nalala­bing dalawang semis slot.

Star Group 85 -- Bondoc 18, Rodriguez 15, Reyes 10, Roque 10, Coquilla 8, Ortega 7, Geocada 6, Reducto 6, Tabang 3, Sangalang 2, Martinez 0, Corbin 0.

Secret Spices 70 -- Magbanua 17, Ignacio 15, Lingao-Lingao 11, Villarta 10, Baltazar 5, Litonjua 5, Reyes 4, Wang 2, Santos 1, Jamil 0, Rulloda 0.

Quarterscores: 22-16, 39-32, 60-51, 85-70.

Show comments