^

PSN Palaro

Sweep itatarak ng Lady Troopers sa Stags

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Pipilitin ng Philippine Ar­my na wakasan ang ka­nilang championship se­ries ng karibal na San Se­bastian College-Recoletos upang ganap nang angkinin ang Shakey’s V-League Open Conference.

Magtatagpo ang Lady Troopers at ang Lady Stags sa Game Two ng kanilang best-of-three titular showdown ngayong alas-4 ng hapon sa The Arena sa San Juan.

Kasabay ng paglimita kay Most Valuable Player at best Scorer American import Lauren Ford sa 5 points, pinayukod ng Army ang San Sebastian via straight set, 25-9, 25-20, 25-16, sa Game One noong Linggo.

Kumpiyansa si coach Rico de Guzman na ma­wawakasan ng kanyang Lady Troopers ang kanilang serye ng Lady Stags ni mentor Roger Gorayeb.

Muling aasahan ng Army ang magkapatid na Michelle at Marietta Carolino kasama sina Rachel Ann Daquis, Joanne Buñag, Cristina Salak, Mary Jean Balse at Dahlia Cruz katapat sina Ford, Rubie de Leon at Thai import Jeng Bualee ng San Sebastian.

Ang tatlong araw na pahi­nga ang inaasahang nagpalakas sa Lady Stags, ang 2008 second confe­rence champions, upang maitabla ang kanilang serye ng Lady Troopers.

Sa unang laro sa alas-2, tatangkain rin ng Philippine Navy na makagawa ng ‘sweep’ sa kanilang serye ng Ateneo De Manila University, ang first conference titlist, matapos angkinin ang Game One mula sa kanilang 25-22, 23-25, 25-19, 14-25, 15-8 tagumpay para maibulsa ang third place trophy.

vuukle comment

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

CRISTINA SALAK

DAHLIA CRUZ

GAME ONE

GAME TWO

JENG BUALEE

JOANNE BU

LADY STAGS

LADY TROOPERS

SAN SEBASTIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with