^

PSN Palaro

Smart Gilas pinadapa ang UAE

-

WUHAN, China, - Mada­ling kinuha ng Smart Gilas Pilipinas ang kanilang unang panalo matapos ilampaso ang United Arab Emirates, 92-52, sa pagsisimula ng 26th FIBA-Asian Men’s Championships dito kagabi.

Matapos kunin ang isang 19-point lead, 41-22, sa halftime ay hindi na nili­ngon pa ng Nationals ang UAE patungo sa kanilang tagumpay.

Bumandera para sa Smart Gilas si 6-foot-11 naturaized Marcus Douthit at mga PBA players na sina Asi Taulava, Kelly Williams, Jimmy Alapag at Ranidel De Ocampo.

Samantala, nakatakdang labanan ng Smart Gilas ang China ngayong alas-8 ng gabi.

Sakaling manaig ang Nationals sa Chinese, papasok sila sa second round ng nasabing Asian meet na nagsisilbing regional elimination para sa isang silya sa 2012 London Olympic Games.

“I’ve got some DVDs of their games in London versus Great Britain and Croatia. They don’t look ex­citing. They are hit by in­juries,” ani Serbian coach Rajko Toroman sa China. “They have quality players like Wang Zhizhi, Yi Jianlian and Sun Yue, but they have a problem at the point guard spot. That’s their weakness.”

Natsambahan ng RP Team ang China sa Tokushima, Japan noong 2007. Ito ay sa first round ng group stage at sa consolation round.

Kinuwestiyon naman ni FIBA-Asia deputy secretary general Hagop Khajirian ang eligibility nina Fil-Ams Marcio Lassiter at Chris Lutz sa team managers meeting noong Miyerkules.

Wala pang sagot ang FIBA general headquarters sa Geneva, Switzerland ukol sa hinihinging clarification ng Smart Gilas.

Sa mga unang laro, pi­na­­dapa ng Jordan ang Syria, 71-58; tinalo ng Iran ang Chinese, Taipei, 49-37; at isinalya ng Korea ang Malaysia, 89-42. (RC/NB)

ASI TAULAVA

ASIAN MEN

CHRIS LUTZ

FIL-AMS MARCIO LASSITER

GREAT BRITAIN AND CROATIA

HAGOP KHAJIRIAN

JIMMY ALAPAG

KELLY WILLIAMS

LONDON OLYMPIC GAMES

SMART GILAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with