Mag-amang Aguilar, Sam Milby sumagasa ng panalo
MANILA, Philippines - Dinomina ni Golden Wheel Awardee at unang Asian Motocross Champion na si Glenn Aguilar ang Pro Open Category ng 8th Leg ng Enersel Forte Philippine National Motocross Series sa Quirino Province noong Setyembre 10-11.
Ang anak niyang si Mclean ay bumandera naman sa 85 CC class.
Naghari rin si celebrity rider at matinee idol Sam Milby sa Beginner Open Prod category ng motocross event na pinangunahan ni Quirino Governor Junie E. Cua bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng probinsiya.
Ang mga nanguna sa kanilang mga kategorya ay sina Aguilar, Bornok Mangosong at Ted Conde (Pro Open); Milby, Judy Bacabac at Jepoy Rellosa (Beginner Open Prod); Jessy Pineda, Atong Mangosong at Arniel Lacnit (Novice Open Prod); Atong Mangosong, Arniel Lacnit at Pepo Rubi (Intermediate); Clifford Gabriel, Arwin Palilio at Loue Panahon (ATV Open); Bombet Santos, Rojay Fernatez at Aikee Mapa (Underbone Open); Bombet Santos, Gani Marquez at Dulay Atrew (Local Open Enduro); Bick Bick Sibbaluca, Rojay Fernatez at Gerald Esquibil (Underbone Local); Bombet Santos, Jun2 Antonio at Dulay Atrew (Novice Local Enduro) at Pia Gabriel, Marriane Yapparcon at Jade Nabua (Ladies).
Ang batang Aguilar ay nagtapos bilang ika--14 sa Beginner Open Prod at ika-17 sa Novice Open Prod, habang si Milby ay pang 11 sa Novice Open Prod.
Pumuwesto naman si Jay Lacnit, ang CEO at presidente ng nag-organisang SEL-J Sports, sa ika-9 sa Executive A, pang 12 sa Executive B at pang 11 sa Beginner Open Prod.
- Latest
- Trending