^

PSN Palaro

Pacquiao ikinumpara kay Ali

- Abac Cordero -

MEXICO CITY, Philippines ---Akala ni Bob Arum ay nakita niya si Muhammad Ali habang pinagmamasdan niya si Manny Pacquiao.

“He’s like Muhammad Ali now,” sabi ng 79-anyos na promoter matapos ang World Press Tour para sa title fight nina Pacquiao at Juan Manuel Marquez ka­hapon dito sa makasaysa­yang Plaza ala Revolucion.

Hindi magkamayaw ang mga Mexicans sa pagt­anggap kina Pacquiao at Marquez sa naturang pagtatapos ng kanilang four-city press tour.

Bago ito, bumisita mu­na ang Filipino boxing icon at tumabi sa mga great Mexican champions sa Metropolitan Cathedral at sa Mexican House of Representatives.

Sa loob ng Mexican Congress, hindi maawat sa pagpapakuha ng larawan ang mga Kongresista sa Sarangani Representative.

“Pinagkaguluhan ako,” sambit ni Pacquiao.

“The last time I saw Congressmen coming out like that was for Ali in Indonesia in the seventies,” sabi naman ni Arum, naging co-promoter ng Thrilla in Manila heavyweight battle sa pagitan nina Ali at Joe Frazier noong 1975.

Gumala naman ang grupo ni Pacquiao kasama ang mga local promoters sa lungsod sakay ng isang convoy ng mga itim na SUVs at sinamahan ng ha­los isang dosenang motor­cycle cops na nakasuot ng neon green jackets.

Narinig ang mga wang-wang at nagkaroon ng tra­pik sa pagdaan ng convoy sa mga kalsada.

Matapos makausap ang mga Mexican Congressmen, nagbalik sina Pacquiao sa Metropolitan Cathedral kung saan nag­hihintay sa kanya si Marquez.

Nagsama sina Pacquiao at Marquez sa isang open-top, double-decker bus kasabay ng pagdagsa ng kanilang mga fans na nagpapapirma ng kanilang mga shirts, jackets, caps at backpacks.

Makaraan ang 30 minuto, nagtungo ang kanilang bus sa Plaza ala Revolu­cion kung saan naroon ang mas malaking bilang ng mga fans.

“I thought they would tilt the bus over. I really thought it would. That was pretty funny,” sabi ni trainer Freddie Roach, sinuportahan rin ng kanyang mga Mexican fans.

Sa isang air-conditio­ned tent lumabas sina Pac­quiao at Marquez na lalo pang pi­nagmulan ng tulakan. Da­lawang bodyguards ang nahulog sa katutulak ng mga tao.

“And they were big bo­dyguards. Tumba talaga. May napilayan pa yata,” sabi ni Pacquiao, hindi makapaniwala sa pagtanggap sa kanya sa Mexico City.

“It was crazy and we knew it would happen,” wika naman ni Top Rank photographer Chris Farina.

Buhat sa press confe­rence, muli silang dinala sa St. Regis Hotel para sa tanghalian at ganap na alas-4 ng hapon ay suma­kay sila sa isang chopper na nagdala naman sa kanila sa Toluca pabalik sa Los Angeles, California sa isang private plane.

Hindi sumakay si Roach sa chopper at umalis ng hotel papuntang Toluca sakay ng isang SUV. Ngunit dahil sa mabigat na trapik, napilitan siyang bumalik ng hotel at sumakay rin ng chop­per.

ALI

BOB ARUM

CHRIS FARINA

FREDDIE ROACH

MARQUEZ

METROPOLITAN CATHEDRAL

MUHAMMAD ALI

PACQUIAO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with