^

PSN Palaro

Orcollo talo kay Souquet

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Hindi na nagpaawat si five-time champion Ralf Sou­quet ng Germany sa pag-agaw ng korona kay Den­nis Orcollo.

Pinayukod ni Souquet si Orcollo, 8-5, sa finals ng 19th Party Poker.net World Pool Masters kagabi sa The Block Atrium sa SM North Ed­sa.

Nakatabla si Souquet sa 3-3 at sa 5-5 hanggang ku­nin ang sumunod na dala­wang laro upang alisan ng pag-asa si Orcollo patungo sa pagbulsa sa premyong $20,000 o halos P300,000.

Binigo muna ni Souquet sa semis si Englishman Darr­en Appleton, 8-7, matapos bumangon mula sa isang 2-6 pagkakabaon.

Bago naman sagupain si Souquet, giniba ni Orcollo si Fu Jian Bo ng China, 8-4, sa semifinal round.

Ang isang scratch ni Fu, dinomina si Orcollo sa nakaraang China Open at Challenge of Champion, sa 12th frame ang nagbigay ng pagkakataon sa tubong Bislig, Surigao del Sur na ubusin ang mga bo­la sa lamesa.

Nauna nang pinadapa ni Orcollo si Tony Drago ng Malta, 8-2, at Chang Jung-lin ng Taiwan, 8-1, para sa kanilang semis showdown ni Fu.

Matapos ang World Pool Masters, pakaka­wa­lan naman ng Solar Sports at Match­room Sports ang 2011 World Cup of Pool si­­mula ngayong araw.

BLOCK ATRIUM

CHALLENGE OF CHAMPION

CHANG JUNG

CHINA OPEN

ENGLISHMAN DARR

FU JIAN BO

NORTH ED

ORCOLLO

SHY

SOUQUET

WORLD POOL MASTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with