^

PSN Palaro

Lions minasaker ang Generals; Cardinals lusot din

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Ipinangalandakan ng San Beda ang maba­ngis nilang opensa habang nagsumigasig naman ang Mapua sa magkabilang dulo ng court upang kunin ang mga mahahalagang panalo sa pagpapatuloy ng 87th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.

May 23 puntos si Garvo Lanete para pangunahan ang limang manlalaro na tumipak ng 10 puntos pataas at ang Lions ay gumawa ng kahanga-hangang 61% shooting performance sa field (46 of 75) para ilista ang 118-64 panalo sa Emilio Aguinaldo College.

Ang 54 puntos kalama­ngan ang pinakamatindi ng Lions dahil binura nito ang 109-63 tagumpay na kin­uha ng koponan laban din sa Generals noong Setyembre 2, 2009.

Dahil sa panalong ito ay napanatili ng tropa ni coach Frankie Lim ang isa’t-kalahating larong agwat sa pumapangatlong Letran sa 10-1 baraha.

Nilimitahan naman ng depensa ng Cardinals si Chris Cayabyab sa 8 puntos habang si Josan Nimes ay gumawa ng 20 kasama ang 12 sa first period upang umalagwa agad ang kanyang kopo­nan tungo sa madaling 80-59 panalo sa Lyceum isa pang laro.

Ito ang ikaapat na su­nod na panalo ng Cardinals tungo sa 6-6 karta habang ang Pirate ay nalaglag sa 5-6 baraha pero sila pa rin ang may tangan sa ma­halagang pang-apat na puwesto sa team stan­dings.

CHRIS CAYABYAB

DAHIL

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

FRANKIE LIM

GARVO LANETE

IPINANGALANDAKAN

JOSAN NIMES

SAN BEDA

SAN JUAN CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with