PUERTO Princesa, Palawan, Philippines - Namayani sina Norlan Warizal at Jila Dela Rosa sa Puerto Princesa City elimination leg ng 35th National Milo Marathon na nilahukan ng 4,864 runners dito.
Iniwanan ni Norlan Warizal si back-to-back Puerto Princesa regional race champ Ruben Samuya sa huling kilometro para pamahalaan ang men’s division sa kanyang tiyempong 1:14:22.
Si Warizal ay naging 28th placer sa nakaraang National Milo Marathon Finals.
Sumegunda naman sa kanya sa Puerto Princesa leg si Samuya, 8th-placer sa 2010 Milo Marathon, na naglista ng 1:16:33.
Ginulat naman ni De la Rosa ang mga betarano nang pagreynahan ang women’s class sa kanyang oras na 1:36:53.
Naging basehan lamang ni Dela Rosa sa pagtakbo ang mga pinanood niyang Youtube training videos ni Olympian at long-distance runner Ryan Hall.
“Last year, ang alam ko lang training ay tumakbo sa long distances. Pero ngayon gusto kong sumubok ng iba kaya pinanood ko ang mga Youtube videos ng idol kong si Ryan Hall, ani Warizal.
Ito ang unang half marathon race na sinaligan ng Puerto Princesa native na si Dela Rosa. Si Dela Rosa ay nagsasanay ng track and field sa UST.