^

PSN Palaro

Lady Altas wagi sa Cardinals

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Humugot ng mga pa­nalo ang mga lahok ng host University of Perpetual Help System Dalta sa 87th NCAA beach volley para manatiling matibay ang paghahabol nila sa titulo.

Bumangon ang nagde­depensang Lady Altas mu­la sa paglasap ng unang kabiguan matapos ang anim na sunod na panalo sa kamay nina Gene Anda­ya at Manel Carolino ng Letran, 16-21, 19-21, nang kalusin nina April Ann Sartin at Norie Diaz sina Patricia Aquino at Kay Bacit ng Mapua, 21-11, 21-11.

Ang koponan sa men’s division na sina Marcelo Joaquin at Jay dela Cruz ay umukit din ng 21-11, 21-11, tagumpay laban kina Ralph Ocampo at Philip Bagalay ng Mapua para makapasok na sa semifinals.

“So far, so good,” wika ni league President at Policy Board chairman Anthony Tamayo ng UPHSD.

Nanatili namang walang talo ang Lady Knights nang kunin nina Andaya at Carolino ang 21-17, 17-21, 15-13, three-sets panalo laban kina Tim Casanova at Rosalinda Lualhati ng Lyceum.

Nakasalo naman sa Lady Altas sa 6-1 karta ang St. Benilde na binubuo nina Rossan Fajardo at Jannine Navarro na pinadapa sina Marjanette Echano at Joanna Clemente, 21-7, 21-16, ng Jose Rizal University.

vuukle comment

ANTHONY TAMAYO

APRIL ANN SARTIN

GENE ANDA

JANNINE NAVARRO

JOANNA CLEMENTE

JOSE RIZAL UNIVERSITY

KAY BACIT

LADY ALTAS

LADY KNIGHTS

MANEL CAROLINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with