^

PSN Palaro

Grandslam Bulilyaso

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Mula sa mapait na ka­biguan sa Game Six noong Biyenes, rumesbak ang Boosters upang angkinin ang kanilang pang 19th PBA championship.

Sa harap ng 16,928 basketball fans na dumag­sa sa Araneta Coliseum, pinadapa ng Petron Blaze ang Talk ‘N Text, 85-73 sa Game Seven ng kanilang championship series upang tuluyan nang sikwatin ang 2011 PBA Governors Cup kagabi.

 Tinapos ng Boosters, umentra sa kanilang pang 33rd finals appearance, ang kanilang best-of-seven titular showdown ng Tropang Texters sa 4-3.

“Masayang-masaya ako since first time kong mag-champion sa PBA as a coach,” sambit ni rookie coach Ato Agustin, bahagi ng Grandslam champion team ng San Miguel noong 1989 at nagkampeon bilang mentor sa San Sebastian sa NCAA at Excelroof sa PBL.

Nabigo naman ang Talk ‘N Text, naglaro sa kanilang pang 11th finals stint tampok ang kanilang kampeonato sa 2003 All-Filipino Cup, 2008-2009 Philippine Cup, 2010-2011 Philippine at 2011 Commissioner’s Cup, na mapabilang sa mga Grandslam champions na Crispa (1976 at 1983), San Miguel (1989) at Alaska (1996).

 Ipinoste ng Petron ang isang 14-point lead, 27-13, sa first period bago ito napaliit sa halftime, 40-34, at nakabawi naman sa pagtatayo ng 62-48 ben­tahe sa 2:08 ng third quarter buhat kina import Anthony Grundy, Arwind Santos, Alex Cabagnot, Denok Miranda at two-time PBA Most Valuable Player Danny Ildefonso.

Huling nagbanta ang Tropang Texters sa 55-64 sa pagbungad ng final canto kasunod ang ratsada nina Grundy, Santos, Ildefonso at Mick Penisi upang ilayong muli ang Boosters sa 74-61 sa 4:53 nito.

Sa first half, napatalsik sa laro si Jojo Duncil sa 6:25 ng second period kung saan lamang ang Petron sa Talk ‘N Text, 34-24, nang mapatawan ng Flagrant Foul Penalty 2 bunga ng pag-iwan nito ng paa sa landing spot ni import Maurice Baker. 

Matapos umiskor ng 13 points sa first period sa 104-78 pananaig ng Tropang Texters sa Game Six, hindi naman nakaiskor si Jayson Castro mula sa kanyang 0-of-5 fieldgoals sa kabuuan ng unang yugto

 Ipinoste ng Boosters ang isang 14-point lead, 27-13, sa 2:50 ng first period buhat sa jumper ni Santos hanggang maibaba ito sa halftime, 34-40, mula kina Ranidel De Ocampo at Baker na tumapos na may 15 at 10 markers, ayon sa pagkakasunod.

Huling nagkampeon ang Petron, sumabak sa kanilang pang 33rd finals appearance, noong 2009 Fiesta Conference mula sa pagbibida ni Best Import Gabe Freeman.

PETRON 85--Grundy 26, Santos 16, Miranda 16, Ildefonso 13, Cabagnot 12, Pennisi 2, Duncil 0, Hubalde 0, Salvacion 0.

TALK N’ TEXT 73 - Baker 22, De Ocampo 15, Williams 13, Alapag 13, Carey 6, Castro 2, Peek 2, Dillinger 0, Reyes 0, Aban 0. Fonacier 0, Alvarez 0.

Quarterscores: 28-17, 40-34, 64-53, 85-73.

ALEX CABAGNOT

ALL-FILIPINO CUP

ANTHONY GRUNDY

ARANETA COLISEUM

ARWIND SANTOS

GAME SIX

N TEXT

PETRON

SAN MIGUEL

TROPANG TEXTERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with