^

PSN Palaro

Maynilad, Perpetual mag-uunahan sa huling quarters slot

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Pag-aagawan ng Maynilad at Perpetual Help ang pang anim at huling quarterfinals berth sa Shakey’s V-League Open Confe­rence sa The Arena sa San Juan.

Nakatakda ang natu­rang playoff match nga­yong alas-2 ng hapon ka­sunod ang banggaan ng Philippine Army at Philippine Navy sa alas-4 sa pagsisimula ng quarterfinal round.

Nagtapos ang Water Dragons at ang Lady Altas na may 1-5 kartada sa elimination round.

Tinalo na ng Maynilad ang Perpetual mula sa isang five-setter win noong Agosto 4.

Naitakda ang nasabing playoff nang matalo ang Water Dragons sa Philippine Air Force, 23-25, 25-13, 22-25, 19-25, noong Huwebes, samantalang na­kuha naman ng Lady Altas ang kanilang unang panalo nang igupo ang Lady Sailors, 25-20-, 25-23, 25-17.

Maliban sa Army at Navy, ang iba pang nasa quarterfinals ay ang San Sebastian College, Air Force at Ateneo De Manila University.

Nauna nang binigo ng Lady Troopers ang Lady Sailors via four-setter patu­ngo sa kanilang four-game winning streak bago yumukod sa Lady Stags.

Muling ipaparada ng Army sina Rachel Ann Da­quis, Mary Jean Balse, Joanne Buñag, Cristina Salak at ang mag-utol na sina Michelle at Marietta Carolino.

AIR FORCE

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

CRISTINA SALAK

JOANNE BU

LADY ALTAS

LADY SAILORS

LADY STAGS

LADY TROOPERS

MARIETTA CAROLINO

MARY JEAN BALSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with