2nd win pakay ng Starmen sa Gerry's Grill

MANILA, Philippines - Tangka ng pre-tournament favorite Star Group of Company ang kanilang ikalawang panalo sa pagbangga sa debutanteng Gerry’s Grill-PGA Cars sa 2011 MBL Corporate Cup basketball championship sa San Andres gym sa Malate, Manila.

Nakatakda ang laban ngayong alas-6 ng gabi.

Inaasahang muling sa­sandigan ni coach Alfred Bartolome ang mga balikat nina Jong Bondoc, Chris Corbin, Randel Reducto, Dennis Rodriguez at Gio Coquilla para sa asam na ikalawang dikit na panalo matapos malasap ang ope­ning day 80-84 ka­biguan sa mga kamay ng Micah Medical Clinic-Parola Ma­ritime sa single-round tournament na hatid ng Ironcon Builders, Cebuana Lhuillier, PRCCouries at WG Diners.

Tumapos si Bondoc ng 19 puntos, habangnagdagdag naman si Reducto ng 14 puntos sa 107-72 pananaig ng Starmen sa Makati Medical Center nitong Agosto 13.

Sa isa pang laro, mag­haharap ang Duraville Realty at Makati Med sa alas-7:30.

Show comments