MANILA, Philippines - Napili ang Pilipinas upang siyang mapagdausan ng V8 Supercars Championship sa 2013.
Nakiisa ang Philippine Sports Commission (PSC) sa hangarin ng Toleman Motorsport Management at nakipagpirmahan ng kontrata na tutulong ang Komisyon sakaling may mga usapin patungkol sa suporta ng gobyerno sa nasabing kompetisyon.
Ang Pilipinas ang magiging kauna-unahang lugar sa Asia na pagdarausan ng karera na patok na patok sa Australia, ayon kay PSC Commisisoner Chito Loyzaga makaraan ang idinaos na press conference kahapon sa PSC building.
Sa itinatayong 2.4 kilometer Clark Speedway gagawin ang karera sa bandang Pebrero o Marso.