^

PSN Palaro

Army netters lumapit sa sweep

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Dumiretso sa kanilang pang limang sunod na pa­nalo ang Philippine Army matapos talunin ang Ateneo De Manila University, 25-16, 23-25, 25-14, 25-20, at lumapit sa pagwalis sa elimination round ng Shakey’s V-League Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan.

Humataw si Dahlia Cruz ng mahalagang apat na hits sa fourth set para sa 5-0 re­kord ng Army kasunod ang San Sebastian College (4-1), Philippine Navy (4-1), tinalo ang Maynilad, 25-22, 25-20, 25-16 sa ikalawang laro, Philippine Air Force (2-3), Ateneo (2-4), Maynilad (1-4) at Perpetual Help (0-5).

Nakatakdang harapin ng Lady Troopers ang kapwa quarterfinalists na Lady Stags bukas para sa pagsa­sara ng eliminasyon.

Nagtala si Michelle Caro­lino, nagmula sa isang five-hit, one-set performance sa four-set win ng Army sa Maynilad noong Linggo, ng 16 kills para sa kanyang 20 hits, habang may 18 points si Mary Jean Balse.

Nag-ambag sina Joanne Buñag at Marietta Carolino ng tig-11 hits at tumapos si Cruz na may 10 points, ka­sama ang 4 blocks.

Pinamunuan nina Alyssa Valdez at Fille Cainglet ang Lady Eagles sa kanilang pinagsamang 30 hits.

Bagamat natikman ang kanilang ikaapat na sunod na kamalasan, umabante pa rin ang Ateneo sa quarterfinals bilang No. 5 team, samantalang pag-aagawan naman ng Maynilad at Perpetual ang natitirang No. 6 seat.

Nagtumpok sina Angeline Gervacio, Gretchen Ho, Aerieal Patnongon at Jamenea Ferrer ng pinagsamang 18 hits para sa Lady Eagles.

AERIEAL PATNONGON

ALYSSA VALDEZ

ANGELINE GERVACIO

ATENEO

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

DAHLIA CRUZ

FILLE CAINGLET

GRETCHEN HO

LADY EAGLES

MAYNILAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with