^

PSN Palaro

Pagka-birhen itataya ng Army kontra Ateneo

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Ang pagwalis sa eli­mination round at ang pa­­tuloy na pangunguna sa torneo ang hangad ng Philippine Army sa kani­lang pakikipag­harap sa bumabagsak na Ateneo De Manila University sa Shakey’s V-League Open Conference sa The Arena sa San Juan.

Nakatakda ang banggaan ng Army spikers at Lady Eagles ngayong alas-2 ng hapon kasunod ang labanan ng Philippine Navy at Maynilad sa alas-4.

Tangan ng Army ang malinis na 4-0 rekord kasunod ang San Sebastian College (4-1), Navy (3-1), Air Force (2-3), Ateneo (2-3), Maynilad (1-3) at Perpetual Help (0-5).

Nanggaling ang Army tossers mula sa isang 25-22, 25-15, 25-27, 25-15 panalo kontra Maynilad noong Linggo, habang asam naman ng Lady Eagles na makabangon buhat sa isang three-game losing slump matapos magposte ng 2-0 kartada.

Maliban sa Army, ang mga may tiket na sa quarterfinal round ay ang San Sebastian at Navy, samantalang inaasahan ring makakasama sa grupo ang Air Force at Ateneo.

Sina dating Most Valuable Players Mary Jean Balse at Michelle Carolino katuwang sina Rachel Ann Daquis, Joanne Buñag, Marietta Carolino, Dahlia Cruz at Cristina Salak ang muling aasahan ng Army.

Babanderahan nina Fille Cainglet, ang leading scorer ng liga sa kanyang average na 18 hits per game, Alyssa Valdez, Angeline Gervacio, Gretchen Ho, Jemenea Ferrer, Mona Bagatsing at Leal Patno-ngon ang Lady Eagles.

Sa ikalawang laro, sisikapin naman ng Maynilad na makuha ang kani­lang ikalawang panalo para makaiwas sa posibleng playoff nila ng Perpetual sa huling quarterfinals spot.

AIR FORCE

ALYSSA VALDEZ

ANGELINE GERVACIO

ATENEO

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

CRISTINA SALAK

DAHLIA CRUZ

FILLE CAINGLET

LADY EAGLES

MAYNILAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with