^

PSN Palaro

PSC kinondena ni Sen. Trillanes

- Ni Rudy Santos -

MANILA, Philippines - Tinuligsa kahapon ni Sen. Antonio Trillanes, pa­ngulo ng Basketball As­sociation of the Philippines (BAP), ang Philippine Sports Commission (PSC) dahil sa hindi nito pagsuporta sa kanila sa 26th Summer Universiade sa Shenzhen, China.

Ang nasabing sports event na nagsimula noong Agosto 12 at matatapos sa Agosto 23 ay dinaluhan ni China President Hu Jin­tao.

“I was informed by FESSAP President David Ong that “zero” ang suporta ng PSC dito dahil talagang napakagandang event ito at magandang exposure ito sa mga athletes natin in preparations for the bigger events,” ani Trillanes.

Ayon sa Senador, ito ang unang pagkakataon na lumahok ang bansa sa Universiade, bahagi ng mini Olym­pic University Games na sinalihan ng halos 8,000 student/athletes mula sa 155 bansa.

Dumating si Trillanes mula sa Zhenzhen via Hong Kong sakay ng Phi­lip­pine Airlines flight PR 307 kasama ang mga opisyales ng Federation of School Sports Association of the Philippines (FESSAP) na sina president Da­vid Ong, Jean Monteverde (treasurer), Col. Ariel Quirobin (adviser) at Richard Ang (FESSAP member at official interpreter).

 Idaraos ang susunod na Universiade sa Russia sa 2013 kasunod ang South Korea sa 2015.

Ang FESSAP ay kinatawan ng all-Cebu team sa likod ng 63rd National Students Championship titlist University of Cebu (UC) at Cebu Schools Athletic Foundation Inc (CESSAFI).   

AGOSTO

ANTONIO TRILLANES

ARIEL QUIROBIN

BASKETBALL AS

CEBU SCHOOLS ATHLETIC FOUNDATION INC

CHINA PRESIDENT HU JIN

FEDERATION OF SCHOOL SPORTS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

HONG KONG

JEAN MONTEVERDE

NATIONAL STUDENTS CHAMPIONSHIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with