Lyceum sumabog sa JRU
MANILA, Philippines - Nagkalat ng 23 puntos kasama ang limang tres habang mga krusyal plays naman ang ibinigay nina Jeckster Apinan at Alex Almario para mawakasan ng Jose Rizal University ang tatlong sunod na kabiguan gamit ang 74-68 panalo sa Lyceum sa 87th NCAA men’s basketball kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Ang magkasunod na tres ni Matute na galing sa groin injury, ang nagbigay sa Heavy Bombers ng 67-62 kalamangan may 2:16 sa laro.
Nakalapit pa ang Pirates sa four of six shooting sa 15-footline nina Floricel Guevarra at Chris Cayabyab para sa 68-66, bago nag-takeover sina Almario at Apinan.
Isang layup at dalawang freethrows ang ginawa ni Almario habang dalawang steals at dalawang splits sa freethrow line ang ibinigay ni Apinan para sa 74-66 bentahe.
“Sa mga nakaraang talo namin ay lagi kaming outplayed sa fourth period. Ngayon ay nakitaan sila ng katatagan lalo na sa mental side,” wika ni Heavy Bombers coach Vergel Meneses na mayroon ngayong 3-5 karta.
May tig-21 puntos sina Guevarra at Cayabyab pero nalimitahan lamang sa pitong puntos, kasama ang 1 of 10 shooting si Allan Santos para tapusin ng guest team ang first round elimination tangan ang 4-5 baraha.
Tumapos naman sina Josan Nimes at Allan Mangahas taglay ang pinagsamang 32 puntos habang dalawang tres naman ang ginawa ni Jonathan Banal sa huling yugto para mangibabaw ang Mapua sa host Perpetual Help, 65-63.
Ang dalawang tres ni Banal ay nakatulong para hawakan ng Cardinals ang 57-47 kalamangan bago pinawi ang rally ng Altas gamit ang kanilang depensa para kunin ng tropa ni coach Chito Victolero ang ikatlong panalo sa siyam na laro.
“Nag-struggle man kami ay tinapos naman namin ang first round sa panalo na magagamit namin para sa second round,” wika ni Victolero.
- Latest
- Trending