^

PSN Palaro

Laban ni Donaire ikinasa sa Nov. 5

- Ni RC -

MANILA, Philippines - Itinakda na sa Nobyembre 5 ang pag-akyat sa boxing ring ni world bantamweight champion Nonito 'The Filipino Flash' Donaire, Jr. matapos ang siyam na buwan.

 Sinabi kahapon ni Top Rank Promotions' president Todd duBoef na naghahanap na sila ng makakalaban ni Donaire, pinabagsak si Fernando Montiel via second-round TKO upang agawin sa Mexican ang mga suot nitong World Boxing Council (WBC) at World Boxing Organization (WBO) bantamweight titles noong Pebrero 19 sa Mandalay Bay sa Las Vegas, Nevada.

Idinagdag pa ni DuBoef na ito na ang magi­ging huling laban ng tubong Talibon, Bohol sa bantamweight division bago siya umakyat sa junior featherweight cate­gory bilang pagsunod sa mga yapak ni world eight-division king Manny Pacquiao.

Tangan ni Donaire ang 26-1-0 win-loss-draw ring record kasama ang 18 KOs. Kabilang sa mga ma­aaring itapat kay Donaire ay sina Omar Narvaez (35-0-0, 23 KOs) ng Argentina, Silence Mabuza (23-3, 19 KOs) ng South Africa, Christian Esquivel (23-2, 17 KOs) ng Mexico, Sebastian Gauthier (21-2, 13 KOs) ng Canada, dating junior bantamweight titlist Alexander Munoz (35-4, 27 KOs) at Juan Mercedes (26-3, 17 KOs) ng Dominican Republic.  

ALEXANDER MUNOZ

CHRISTIAN ESQUIVEL

DOMINICAN REPUBLIC

DONAIRE

FERNANDO MONTIEL

FILIPINO FLASH

JUAN MERCEDES

KOS

LAS VEGAS

MANDALAY BAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with