Petron 'underdog' pa rin sa serye kontra TNT kahit nanalo sa Game 1
MANILA, Philippines - Bagamat nakalusot sa Game One noong Linggo, mananatili pa ring ‘underdogs’ sa kanilang championship series ng 2011 PBA Governors Cup ang Boosters.
“Underdog pa rin kami kasi undermanned kami, pero ang philosophy ko kasi lima lang ang nasa loob,” sabi ni rookie coach Ato Agustin matapos ang 89-88 panalo ng kanyang Petron Blaze kontra Talk ‘N Text sa series opener.
Isang buzzer-beating jumper ni two-time PBA Most Valuable Player Danny Ildefonso ang sumel¬yo sa nasabing panalo ng Boosters sa Tropang Tex¬ters.
Tinalo ng Petron Blaze ang Talk ‘N Text na wala ang mga injured na sina Jay Washington, Rabeh Al-Hussaini, Joseph Yeo at Lordy Tugade.
“Sana magtuluy-tuloy na,” sabi ni Ildefonso. “Ka¬gustuhan ng Diyos na ma¬nalo kami. Hanggang nga¬yon hindi ko ma-explain na darating sa ganung sit¬wasyon.”
Bago ito, pinayukod na ng Boosters ang Tropang Texters sa elimination at semifinal round, 101-95 at 98-83, ayon sa pagkakasunod.
Nakatakda ang Game Two bukas ng alas-7 ng gabi sa Mindanao Civic Center sa Tubod, Lanao del Norte.
Asam ng Petron Blaze na makuha ang 2-0 lamang sa kanilang best-of-seven titular showdown ng Talk ‘N Text, nagkampeon sa 2011 PBA Philippine Cup at Commissioner’s Cup para hangarin ang Grandslam ngayong season.
“Tingin ng lahat 4-0 ka¬mi. I hope they will continue na pagbigyan kami,” sabi ni Agustin.
- Latest
- Trending