Smart Gilas players gustong lumahok sa PBA Rookie Draft
CHINESE TAIPEI -- Naguguluhan ang mga players ng Smart Gilas Pilipinas kung patuloy na maglalaro para sa national team o magsusumite ng kanilang aplikasyon para sa 2011 PBA Rookie Draft.
Ito ay matapos pahabain ni Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) president Manny V. Pangilinan programa ng Smart Gilas hanggang sa 2014.
Ayon kay team captain Chris Tiu, hindi pa siya nagdedesisyon kung sasali sa annual draft ng PBA na nakatakda sa Agosto 28 sa Robinson's Place Ermita.
Hangad ng SBP na makakuha ang Smart Gilas ng Olympic berth sa 2012 London Games at tiket sa 2014 FIBA World Championship.
Nagsumite na sina Fil-Ams Marcio Lassiter at Chris Lutz ng kanilang aplikasyon para sa 2011 PBA Rookie Draft.
- Latest
- Trending























