^

PSN Palaro

Ateneo winalis ang first round ng UAAP

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Hinigpitan ng Ateneo ang kanilang depensa na naging puhunan para maiwanan ang FEU tungo sa 69-49 panalo sa 74th UAAP men’s basketball sa Araneta Coliseum.

Siyam na puntos lamang ang ibinigay ng Blue Eagles sa Tamaraws sa ikatlong yugto bago tulu­yang bumulusok sa huling yugto na nangyari dala na rin ng mga technical fouls na ginawa ng kalabang koponan upang mawakasan ng three-peat champions ang first round tangan ang 7-0 sweep.

Umabot sa 16,150 ang taong nanood sa laro at sinaksihan nila ang husay ng Eagles sa pangunguna ng mga maaasahang sina Kiefer Ravena, Greg Slaughter, Nico Salva at Kirk Long.

“I didn’t expect to win this big. But we played with solid defense and they just had a drought for one stretch that made it easy for us,” pahayag ni Black.     

Si Ravena ay mayroong 19 puntos at 9 rebounds, habang ang 7-footer na si Slaughter ay nagdagdag ng 15 puntos at 11 boards. Si Salva ay may 10 puntos at 9 naman ang ibinigay ni Long.

Mula sa 30-26 halftime lead, lumobo sa 47-35 ang kalamangan nang gumawa ng anim na puntos si Slaughter o tatlong puntos kapos para matapatan ang kabuuang output sa quarter ng kalaban.

Hindi na napigil ang pag­lipad ng Blue Eagles at lumawig pa ang bentahe sa 65-42.

Winakasan naman ng UST ang tatlong sunod na kabiguan gamit ang 68-48 panalo sa UP.

Nakatabla ng Tigers ang La Salle Green Archers sa kanilang magkatulad na 3-3 karta.

Ateneo 69 - Ravena 19, Slaughter 15, Salva 10, Long 9, Gonzaga 4, Chua 4, Monfort 3, Sumalinog 2, Austria 2, Golla 1, Erram 0, Tiongson 0.

 FEU 49 - Garcia 15, Escoto 8, Romeo 8, Sentcheu 5, Exciminiano 4, Tolomia 3, Cruz 1, Mendoza 0, Foronda 0, Knuttel 0, Cawaling 0.

Quarterscores: 15-15, 30-26, 47-35, 69-49.

ARANETA COLISEUM

ATENEO

BLUE EAGLES

GREG SLAUGHTER

KIEFER RAVENA

KIRK LONG

LA SALLE GREEN ARCHERS

NICO SALVA

SI RAVENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with