Gold kay Sunang at bagong record
MANILA, Philippines - Maaaring asahan uli ng medalya sa 26th Sea Games sa Nobyembre si Eleazer Sunang matapos wasakin niya ang 18-taong national record sa larangan ng shotput.
Gumawa ng 16.56 metro hagis sa aparato si Sunang para tabunan ang 15.83m record ni Bruce Ventura noon pang 1993 National Open upang kunin din ang gintong medalya sa idinadaos na Vietnam Open sa Thong Nhat Stadium, Ho Chi Minh City, Vietnam.
Isang bronze meda0list sa 2007 SEA Games pero fourth placer sa Laos noong 2009, ang marka ni Sunang ay higit naman sa 15.75m na ginawa ni Sataporn Kajorn ng Thailand sa Laos upang mamuro ito sa medalya sa SEAG sa Indonesia.
Maliban kay Sunang, nanalo rin ng ginto sina long jumper Henry Dagmil at javelin thrower Danilo Fresnido, si Katherine Santos ang kumuha ng silver sa itinalang 5.99m.
- Latest
- Trending