^

PSN Palaro

Army, Baste gustong sumampa sa unahan

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Tatangkain ngayon ng Philippine Army at San Se­bastian na makasalo sa lideratong pansamantalang hawak ng Ateneo sa pagpapatuloy ng Shakey’s V-League Open Confe­rence ngayon sa The Arena sa San Juan City.

May 2-0 karta ang first conference champion Lady Eagles pero pahinga sila ngayon kaya’t may tsansa ang Army at Lady Stags na gawing tatlo ang nangu­nguna sa ligang inorganisa ng Sports Vision katuwang ang Shakey’s Pizza at suportado rin ng Accel, Mikasa at Maynilad Water.

 Kalaban ng Army spi­kers ang Air Force sa ganap na alas-2 ng hapon habang ang Baste ay makikipagsukatan sa Navy dakong alas-4.

Ang huling laro sa triple-header game ay sa pagitan ng Maynilad at Perpetual Help dakong alas-6 ng gabi.

Ang Army ay sariwa sa four-set panalo sa Navy ni­tong Martes habang ang Lady Stags ay unang nanalo sa Air Force nitong Linggo.

Madalas na magkita ang Army at Airforce kaya’t naniniwala si Army coach Rico De Guzman na magiging balikatan ang tagi­san nila ng Airforce.

Si Michelle Carolino na gumawa ng 23 puntos kasama ang 2 blocks sa unang panalo, ang baban­dera sa Army laban sa husay nina Aiza Maizo, Cherry Rose Macatangay at Wendy Semana ng Air Force.

Ang Amerikanang import na si Lauren Ford kasama nina Jeng Baulee, Joy Benito at Rubin De Leon ang mga aasahan sa Lady Stags para manatiling walang dungis ang kasalukuyang karta.

AIR FORCE

AIRFORCE

AIZA MAIZO

ANG AMERIKANANG

ANG ARMY

ARMY

CHERRY ROSE MACATANGAY

JENG BAULEE

JOY BENITO

LADY STAGS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with