^

PSN Palaro

Kasarian ng mga Pinoy balewala kay Spoelstra

-

MANILA, Philippines - Sinabi ni Miami Heat coach Erik Spoelstra na ang kan­yang commitment sa NBA Fit program ay gusto niyang ibahagi sa mga Filipino anuman ang kasarian, trabaho at edad.

Ang 40-anyos na si Spoelstra ay dumating sa bansa noong Linggo mula sa United States kasama ng kapatid na si Monica, hindi pa nabibisita ang bansa simula noong 1974, at si Miami assistant coach Dave Fizdale.

Dalawang taon na ang nakararaan nang bumisita sa bansa si Spoelstra bilang bahagi ng US Department of State's Sports Envoy program.

Noong 2010, nagbalik si Spoelstra bilang isang am­bassador at i-promote ang NBA Fit program na naglalayong bigyan ng edukasyon ang bawat Pinoy ukol sa makukuhang physical, mental at emotional benefits mula sa malusog na pamumuhay.

Pinuri naman ni Spoelstar ang program ni coach Rajko Toroman para sa Smart Gilas Pilipinas.

“I'd like to see the progress of Filipino basketball,” wika ni Spoelstra. “I know the coaching is getting better every year. Obviously, we know about the passion that Filipinos have for the game. It's very inspiring for me to see the game here, how it's progressing.”

Nanggaling si Spoelstra sa kabiguan sa nakaraang NBA Finals kung saan natalo ang kanyang Heat sa Dallas Mavericks, 4-2.

DALLAS MAVERICKS

DAVE FIZDALE

DEPARTMENT OF STATE

ERIK SPOELSTRA

MIAMI HEAT

RAJKO TOROMAN

SMART GILAS PILIPINAS

SPOELSTRA

SPORTS ENVOY

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with