Marcial umusad sa q'finals

ASTANA, Kazakhstan - Kaagad na umagaw ng atensyon ang Philippine boxing team sa AIBA World Junior Boxing Championships.

Ito ay matapos manalo ang 15-anyos na si Eumir Felix Marcial laban kay Henrik Hovannisyan ng Armenia, 11-9, sa kanilang 52kg encounter para umabante sa quarterfinal round.

Kaagad na nagtungo sina Australian coach Gareth Williams at team manager Mark Wilson sa locker room ng natiopnal team upang batiin si Marcial.

“He’s such a talented fighter for his age. He punches hard and uses the ring intelligently,” wika ni Williams kay Marcial na nagtala ng 5-3 lamang sa first round bago nakadikit ang Armenian sa second round.

Isang right hook ang naikonekta ni Marcial na nag­­resulta sa isang standing eight-count kay Hovannisyan.

Isa pang standing eight count ang iniskor ni Marcial sa third round patungo sa kanyang tagumpay.

Makakasagupa ni Marcial sa quarterfinals si Nasraddin Mammadov ng Azerbaijan na tumalo kay Stanislav Gatsko ng Ukraine, 17-7.

Nakatakda namang lumaban si pinweight Rence Bryan Magarce kay Russian Denis Chmykhin para sa kanyang unang pagtapak sa boxing ring.

Show comments