Borromeo, Schrock may pag-asang makalaro
MANILA, Philippines - Kung ang rekomendasyon ng Asian Football Confederation (AFC) sa FIFA, ang international football federation, ang pagbabasehan, maaaring makita sa aksyon ang mga nasuspinding sina team captain Aly Borromeo at Stephan Schrock sa laban ng Philippine Azkals kontra Kuwait para sa second round ng 2014 FIFA World Cup Asian Qualifiers sa Hulyo 23 at 28.
Ayon sa FIFA, ang AFC ang dapat magdesisyon kung tuluyan nang hindi paglalaruin sina Borromeo at Schrock matapos makatanggap ng yellow cards sa first round series ng Azkals at Sri Lanka Brave Reds.
Sa liham na may petsang Hulyo 18, nagpadala ang Asian Football Confederation (AFC), sa pamamagitan ng General Secretary nitong si Alex Soosay, ng isang formal recommendation sa opisina ni FIFA Legal Affairs Director Marco Villiger para kanselahin ang ‘cautions’ na ibinigay kina Borromeo at Schrock.
Ang ‘cautions’, ayon sa AFC Disciplinary Code, ay nangangahulugan na yellow cards na ipinataw kina Borromeo at Schrock sa laban ng Azkals at Sri Lanka Brave Reds sa first round.
Inirekomenda na ng AFC sa FIFA ang pagdedetermina sa apela ng Philippine Football Federation (PFF) ukol sa pagbawi sa suspensyon kina Borromeo at Schrock.
“Waiting for the final letter. Still on my toes!,” sabi ni Borromeo sa kanyang “twtitter account.
Nakatakda ang first leg ng Azkals kontra Kuwait sa Hulyo 23 sa Kuwait, habang ang second leg ay magaganap sa Hulyo 28 sa Rizal memorial Football Stadium sa Vito Cruz, Manila.
- Latest
- Trending