Obiena, Lavandia kumuha ng medalya sa World Masters
MANILA, Philippines - Hindi sagabal ang pagkakaroon lamang ng dalawang atleta ng Pilipinas para hindi kuminang sa 2011 World Masters Athletics Championships sa Sacramento, California.
Napagtagumpayan ni pole vaulter Emerson Obiena na maidepensa ang gintong medalya na napanalunan sa 2009 edisyon sa Finland nang mangibabaw sa men's 45-age category.
Malinis na naalpasan ni Obiena ang bar sa 4.30-meter distance para manalo laban kina Georff Outerbridge ng Canada at Daniel Basner ng USA na parehong may second best record na 4.20m.
Umabot sa siyam ang naglaban-laban sa dibisyong at tinangka pero nabigo si Obiena na malusutan ang bar sa 4.40m meters.
Nakapagtala naman si Erlinda Lavandia ng hagis na 28.48m para kunin ang bronze medal sa women's 55-age group javelin throw event.
Ang mga US bets na sina Linda Cohn at Monica Kendall ang nanalo ng ginto at pilak nang makapagtala ng 37.97m at 37.70m, ayon sa pagkakasunod.
Hindi nakasali si Elma Muros Posadas, magdedepensa sana ng women's long jump ay hindi nabigyan ng US visa.
- Latest
- Trending