^

PSN Palaro

Mala-Olympic style na opening sa UAAP ngayon

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Isang makasaysayang opening ceremony ang ga­gawin ngayon upang lag­yan agad ng kinang ang inaasahang makulay na pagbubukas sa 74th UAAP season.        

Ang Marikina Sports Park ang siyang lugar na ga­gamitin ng liga para pag­tagpu-tagpuin ang ina­­asahang 5,000 atleta, opisyal at bisita tungo sa kauna-unahang Olympic style opening ceremony ng UAAP.

Ang host Ateneo sa pa­ngunguna ni Ricky Palou na siyang chairman ng UAAP board ang nagsumigasig na maisagawa ang ganitong seremonya na katatampukan ng pagpara­da ng mga atleta mula sa walong kasaping paaralan na maglalaro sa 15 sports na lalaruin sa taong ito.

Dati ay sa mga basket­ball players lamang nakasentro ang opening at hin­di nabibigyan ng focus ang ibang sports events na nilalaro sa buong taon.

Buhos ang Ateneo sa pagsuporta sa pagtatang­hal dahil kasama sa mga magtatanghal ang kanilang cadets na siyang magpapa­sok ng 60 feet x 30 feet na Watawat ng Pilipinas bukod pa sa pagtatanghal ng 30-piece Blue Symphony, Company of Ateneo Dan­cers, Ateneo Junior Marke­ting Association Dancers, Ateneo Residence Students Association Dormers Dancers, Indak at Ateneo Boy’s Choir, Glee Club at Chamber Singpers at 165-kataong Blue Babble Battalion.

Todo suporta rin ang ibini­bigay ng ibang kasa­ping paaralan at ang UST na si­yang palagiang nananalo ng overall championships, ay may 627 kinatawan; ang UE ay mayroong 512, ang UP ay mayroong 425, La Salle ay mayroong 417, Adam­son ay mayroong 300, FEU ay mayroong 300 at ang National University ay mayroong 260.

Mangunguna naman sa pagparada ang dating basketbolista ng Ateneo at PBA na ngayon ay coach na ng Philippine Youth team na si Olsen Racela.

Inaasahang makikiisa rin ang mga local officials ng Marikina City sa pangu­nguna ni Mayor Del De Guzman at Representatives Marci Teodoro (First District) at Miro Quimbo (Second District) at sasama­han ang mga kasapi pa ng UAAP board na sina Adamson’s Rev. Fr. Maximino Rendon, CM, at Maria Luisa Isip, Ateneo’s Palou at Fernandez, De La Salle’s Edwin Theodoro Reyes at Noel Buenaventura, FEU’s Antonio Montinola at Joce­lyn de Leon, NU’s Jose Nilo Ocampo at Edmundo Baculi Jr., UE’s Carmelita Mateo at Rodrigo Roque, UP’s Dr. Caesar Saloma at Dr. Leilani Gonzalo at UST’s Rev. Fr. Ermito de Sagon, OP, at Gilda Ma. Paz Kamus.

Bukas naman opisyal na bubuksan ang bakbakan sa men’s basketball sa pagkikita ng FEU at La Salle at Ateneo at Adamson sa Araneta Coliseum.

ADAMSON

ANG MARIKINA SPORTS PARK

ANTONIO MONTINOLA

ARANETA COLISEUM

ASSOCIATION DANCERS

ATENEO

LA SALLE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with