Manila, Philippines - Ang prestihiyosong motocross ay pupunta sa Palawan para sa Brooke’s Point National Invitational Motocross 2011 sa simula bukas hanggang Linggo.
Ang mahusay na national rider ng bansa na si Glenn Aguilar ang mangunguna sa local na sporting event sa motocross capital ng Southern Palawan, ang Brooke’s Point, na siya ring tahanan ng Pearl of Allah, ang pinakamalaking perlas sa buong mundo. Sasamahan si Aguilar ng iba pang magagaling na karerista ng Pilipinas at ng CEO at pangulo ng SEL-J Sports na si Jay Lacnit, ang nangungunang tagapagtaguyod ng rehabilitasyon ng motocross sa Pilipinas.
Ang karera ay para sa ika-62 taong pagdiriwang ng pundasyon ng Brooke’s Point at ika-6 na Pista ng Kaniyog’n ng Palawan, na pangungunahan ng lokal chief executive, na si Mayor Narciso ‘Boyet’ Leoncio, M.D.
Ang Brooke’s Point ang growth center ng Southern Palawan, isang first class na munisipalidad na nagtataguyod din ng motocross bilang isport.
Ang SEL-J Sports ay nagsasanay sa mga bata at mahuhusay na riders upang maging world-class racers.