^

PSN Palaro

Pagkikita nina Pacquiao, Pope Benedict inaayos na

- Ni Russell Cadayona -

Manila, Philippines - Matapos si US President Barrack Obama, si Pope Benedict XVI naman ang posibleng makausap ni Filipino boxing superstar Manny Pacquiao sa Vatican.

Ito ang inihayag kahapon ni Bob Arum ng Top Rank Promotions sa isang panayam hinggil sa maaaring pagkikita nina Pacquiao at Pope Benedict XVI matapos si Obama sa White House noong Marso.

Ang Sarangani Congressman ay kontra sa Reproductive Health Bill na inaasahang ikatutuwa ng Santo Papa.

“I knew the Holy See has to be very pleased with Pacquiao's stance on birth control and his opposition to passing out condoms,” ani Arum.

Nauna nang nakausap ni Pacquiao si Obama sa White House noong Marso sa pamamagitan ni Sen. Harry Reid, isang matalik na kaibigan ni Arum na iki­nam­panya ni 'Pacman’ noong nakaraang eleksyon sa United States.

Ayon kay Arum, ang tamang panahon ang siyang maaaring makapagtakda ng pagkikita nina Pacquiao at Pope Benedict XVI.

Nakatakdang idepensa ni Pacquiao ang kanyang dalang WBO welterweight title laban kay Juan Manuel Marquez sa Nobyembre 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

Isang global tour ang pinaplano ni Arum para sa natu­rang trilogy nina Pacquiao at Marquez simula sa Quirino Grandstand sa Luneta sa huling linggo ng Agosto bago ito dalhin sa Singapore, Abu Dhabi at United States at ang pagtatapos sa Mexico City.

ABU DHABI

ANG SARANGANI CONGRESSMAN

BOB ARUM

HARRY REID

HOLY SEE

JUAN MANUEL MARQUEZ

PACQUIAO

POPE BENEDICT

UNITED STATES

WHITE HOUSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with