^

PSN Palaro

SMBeer lalaro sa ABL

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Titibay ang hangarin ng Pilipinas na mabawi ang titulo sa ASEAN Basketball League (ABL) na ang ikatlong season ay bubuksan sa Enero.

Dalawang koponan na ang kakatawan sa Pilipinas sa regional basketball league matapos ang paglahok ng San Miguel Beermen.

Limang taon ang itatagal ng SMC sa ABL at ito ay kanilang pinagtibay sa paglagda sa kontrata sa pagitan nina SMC President at CEO Ramon Ang at league president Erick Thohir na ginawa sa SMC office sa Ortigas.

Makakasama ng Beermen ang Philippine Patriots na nabigo sa asam na ika­lawang sunod na kam­peonato nang walisin sila ng Chang Thailand Slammers noong nakaraang season.

Tiniyak naman ni Ang na hindi magkakaroon ng problema ang pagpasok nila sa ABL kasama ang Pa­triots na pag-aari naman ni Mikee Romero ng Harbour Centre.

“Parang pamilya ang tu­ring ko kay Mikee. Kasama ko rin siya sa negosyo at siya pa nga ang nag-imbita sa amin na sumali sa ABL. Kaya walang problema ang pagkakaroon ng dalawang teams sa Pilipinas dahil magtutulungan kami,” wika ni Ramon Ang, ang Pangu­lo at CEO ng San Miguel Corporation nang pormal na ianunsyo ang paglahok nila sa ABL sa tanggapan ng SMC sa Ortigas.

May tatlong koponan na sa PBA, nagdesisyon pa ang SMC na sumali sa ABL dahil sa magandang oportunidad na ma­ipalaganap ang kanilang prudukto bunga ng patuloy na paglakas ng liga sa South East Asia.

Pero hindi manganga­hulugang kontento na sila rito dahil bubuo sila ng ma­lakas na koponan na hahawakan naman ni da­ting PBA 7-time Best Import awardee Bobby Parks.

Ang Beermen ang ika­pitong koponan na kasali sa ABL dahil bukod sa Patriots ay inaasahang babalik din ang nagdedepensang Slammers, Satria Muda BritAma ng Indonesia, KL Dragons, Singapore Slin­gers at Brunei Barracudas.

Posibleng lumawig pa sa walo ang kasali dahil may kinakausap pang mga interesadong kumpanya ang ABL.

 Inihayag naman ni Parks na balak niyang bumuo ng running team na kaya ring makapag-execute sa end game. 

vuukle comment

ABL

ANG BEERMEN

BASKETBALL LEAGUE

BEST IMPORT

BOBBY PARKS

BRUNEI BARRACUDAS

CHANG THAILAND SLAMMERS

PILIPINAS

RAMON ANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with