Yap nagpakitang gilas sa Dubai, napiling PBAPC PoW

MANILA, Philippines - Maski saang venue ay alam ni two-tine PBA Most Valuable Player James Yap kung paano umiskor at dalhin sa panalo ang B-Meg Derby Ace.

Sa out-of-the-country ga­me ng 2011 PBA Governors Cup sa Dubai, United Arab Emirates noong nakaraang linggo, nagbida si Yap para sa 111-105 paggupo ng Llamados sa Talk N Text Tropang Texters.

Umiskor si Yap ng 32 points upang tanghaling Ac­cel-PBA Press Corps’ Player of the Week.

Ito ang ikalawang sunod na ratsada ng B-Meg kasabay ng pagpapalasap sa Talk N Text ng una nitong kabiguan matapos magtala ng malinis na 3-0 baraha.

Naglista naman ang ba­gong import na si Darnell Hinson ng 26 points at 10 boards bilang kapalit ni Stefon Hannah sa Llamados.

Nagsalpak si Yap ng 12-for-21 fieldgoal shooting na tinampukan ng apat na three-point shots.

“James is getting his old form back after his injuries,” sabi ni B-Meg coach Jorge Gallent sa kanyang star player, nagkaroon ng isang calf muscle strain sa nakaraang 2011 Commissio­ner’s Cup at isang sprained ankle bago magsimula ang 2011 Governors Cup.

Show comments