Organizers sa Dubai idedemanda ng PBA
MANILA, Philippines - Sinabi kahapon ni PBA Commissioner Chito Salud na iniisip niyang gumawa ng legal action laban sa nag-organisa ng dalawang laro ng 2011 PBA Governors Cup sa Dubai, United Arab Emirates noong nakaraang linggo.
Bunga ng kapalpakan, kinailangan pang mag-isyu ng PBA ng isang promissory note sa halagang P1.3 milyon para matiyak ang paglabas ng Dubai ng 80 individuals mula sa kanilang two-game series na inilaro sa sell-out crowd na Al Shabab Sports Club.
Ang bawat Filipino overseas workers sa Dubai ay nagbayad ng P1,800 o P800 para sa tiket sa naturang 4,000-seat stadium noong nakaraang Huwebes at Biyernes.
Ngunit noong Biyernes, ipinaalam kay Salud ng Dana Express Travel na kung hindi babayaran ni local promoter Ramon Pizzaras ang obligasyon nitong P2.6 milyon ay kakanselahin ang mga flight tickets ng Talk ‘N’ Text, B-Meg at Barangay Ginebra pabalik ng Maynila.
“It was unfortunate that this was how our visit ended, particularly as we played two very well-received games before our countrymen in Dubai,” sabi ni Salud.
Bago ito, binalaan na ni Talk ‘N Text coach Chot Reyes ang PBA kaugnay sa mga nakaraang kapalpakan ni Pizzaras.
- Latest
- Trending