Diwa ng pagbibigayan pinatibay ng Perpetual

MANILA, Philippines - Higit sa pagpo-promote ng sports, pinanatili ng Season 87 NCAA host University of Perpetual Help System Dalta ang diwa ng pagbibigayan.

Nagbigay si league pre­sident Anthony Tamayo ng Altas ng tatlong scholar­ship grants sa mga beneficiaries ng Pacquiao Foundation na itinatag ni boxing icon at Sa­rangani Congressman Manny Pacquiao.

"We're giving these scho­larship grants to Manny Pacquiao's foundation to help unfortunate kids the education they de­serve," sabi ni Tamayo, na­kasama si Pacquiao sa pag­bubukas ng Season 87 no­ong Sabado sa Araneta Co­liseum.

Bago pa man ang ope­ning ceremonies ay nagbi­gay na ang Perpetual Help at ang NCAA ng ilang sports at gift items at equipment sa mga batang kapuspalad sa New Bilibid Prison.

Hangad ng Perpetual Help ang kanilang unang NCAA general championship matapos makuha ang kanilang back-to-back titles 15 taon na ang nakararaan.

"Of course, our athletes trained and prepared hard for this season, hopefully we could duplicate that feat this season," wika ni Tamayo sa mga atleta ng Altas.

Show comments